Tinupad ni Pangulong Duterte ang kanyang pangako na ipamamahagi ang ekta-ektaryang lupain sa Boracay Island sa mga agrarian reform beneficiary.
Sa unang pagkakataon matapos na muling buksan sa publiko ang isla nitong Oktubre 26, nagtungo ang Pangulo sa isla.
Pinangunahan nito ang pamamahagi ng 523 land ownership certificates sa 484 na recipients, kabilang ang 45 miyembro ng katutubong Ati.
Ang mga Ati ang orihinal na nakatira sa isla.
Sa kanyang talumpati, sinabi ng Pangulo na ang pamamahagi ng mga titulo ay nagdulot ng lubos na kasiyahan sa kanya.
Kinilala ni Duterte ang mahalagang papel ng mga magsasaka sa pagsiguro sa food security ng bansa at tiniyak na susuportahan ng kanyang administrasyon ang mga ito upang mas maging produktibo.
“Today, we acknowledge our farmers’ important role in nation-building as they work tirelessly to ensure food security across the country. I assure you that this administration will continue to protect and uphold your right to own, control, secure, cultivate lands, and reap the benefits of the agricultural lands you till,” ayon sa punong ehekutibo.
-Beth Camia