NALUNGKOT kami dahil nawalan na ng ka-love team si Marlo Mortel sa FPJ’s Ang Probinsyano, dahil pinatay na ang karakter ni Sue Ramirez sa serye.

Sue Ramirez copy

Duda naming, kaya pinatay na ang karakter ng aktres ay dahil matagal siyang mawawala sa Ang Probinsyano, dahil nga kasalukuyan siyang nasa Seoul, Korea para sa shooting ng pelikulang Sunshine Family, Kasama ni Sue ang mag-asawang Nonie at Shamaine Buencamino at ang batang aktor na si Marco Masa.

Tanda namin sa blogcon ng Sunshine Family—na produced ng Spring Films at Film Line Productions LTD at idinidirek ng award-winning Korean director na si Kim Tai Sik—ay natanong namin si Sue kung ano ang mangyayari sa karakter niya sa Ang Probinsyano.

Relasyon at Hiwalayan

Pampabuwenas? Atong 'tinuka' si Sunshine sa cockfight

“Actually wala po akong alam, pero nagpaalam na po ako,”sabi ni Sue sa amin noon.

Si Shamaine naman ay ipinaalam din daw niyang may shooting siya sa Korea, at wala naman din siyang alam kung anong mangyayari dahil pinayagan naman siya.

Sa madaling salita, ang karakter ni Sue ang tsinugi, na napanood na kamakailan.

Sabagay, matagal ang 20 days na wala si Sue sa serye dahil sa shooting, at sakto naman dahil iniwan na nina Cardo Dalisay (Coco Martin) ang pinagtataguan nilang tabi ng dagat dahil busted na ito ni Lucas Cabrera (Edu Manzano).

Samantala, dumalaw sa shooting sa Korea ang Spring Films producer na si Erickson Raymundo at nabanggit niyang ang bilis kumilos ng Korean staff.

“Nag-1st day nu’ng November 3 si Nonie Buencamino, si Shamaine Nov. 4, then Nov. 7 lahat na sila. Umalis ako Nov. 6, eh. OK naman. Mabilis ang Korean production. Happy ang cast sa efficiency nila at on time sila talaga,” kuwento ni Erickson.

Tinanong namin kung hindi ba hirap mag-shoot ang Pinoy cast dahil winter na sa Korea ngayon, at hindi naman sila sanay sa malamig na bansa.

“’Di pa masyado malamig [sa Korea]. Tolerable (pa). Sa Nami (island) mag-shoot sila sa 22nd (November) pa. Mga one 1/2 hrs away. Malapit lang,”sabi ulit sa amin.

Bale ba pangarap din ni Sue na mag-shoot sa Korea, dahil nga malamig bukod pa sa type niya ang authentic Korean food.

-Reggee Bonoan