Nanalo ang ONE Championship ng major awards sa 2018 Global Martial Arts Awards nitong Miyerkules, Nob. 8 sa JW Marriott Hotel Singapore South Beach.
Karamihan sa mga atleta ng ONE Championship ay nabigyan ng prestihiyosong pagkilala kasama ang iba pang awardees ng global martial arts industry
Inuwi ni Filipino superstar Eduard Folayang ang Martial Arts Hero of the Year award. Si Folayang ay ang dating ONE Lightweight World Champion at ang kinikilalang mukha ng Philippine mixed martial arts.
Nanalo si Folayang noong 2018 laban sa unbeaten Russian adversaries Kharun Atlangeriev at Aziz Pahrudinov.
Ang 34 taong gulang at tubong Baguio City, Philippines na si Folayang at nakaiskedyul na makalaban ang Singaporean sensation na si Amir Khan sa main event ng ONE: CONQUEST OF CHAMPIONS sa ika-23 ng Nobyembre para sa ONE Lightweight World Championship.
Ang nakakuha naman ng award na Male Athlete of the Year ay ang ONE Middleweight and Light Heavyweight World Champion “The Burmese Python” Aung La N Sang.
Si Aung La N Sang ay isang superstar sa Myanmar na mayroong maraming tagasuporta na walang katulad sa kanyang bansa.
May tatlong knockouts nitong 2018 si Aung La N Sang, kasama na ang sensational one-punch finish niya kay Ken Hasegawa noong Hunyo.
Ang nag-iisang Women’s Atomweight World Champion “Unstoppable” Angela Lee ay nagwagi ng Female Athlete of the Year. Sa edad na 22 ay siya ang pinakabatang mixed martial arts world champions sa kasaysayan at maraming tagasuporta sa buong mundo. Matagumpay niyang nadepensahan ang kanyang her atomweight title laban kay Mei Yamaguchi nitong nakaraang Mayo.
Ang Five-division Muay Thai World Champion na si Nong-O Gaiyanghadao ng Evolve MMA sa Singapore ay nakatanggap ng Muay Thai Athlete of the Year citation.
Si Nong-O ay sumali sa ONE Championship ngayong 2018 bilang isang marquee talent para sa ONE Super Series. Ang Muay Thai legend ay nanalo noon laban kina Fabio Pinca at Mehdi Zatout.
Ang laban nina Aung La N Sang at Ken Hasegawa sa ONE: SPIRIT OF A WARRIOR nitong Hunyo ay tinaguriang Bout of the Year.
Ang laban nilang dalawa ay isa sa mga pinakainabangan sa ONE Championship history. Lahat ng nanonood ay napaos na kakasigaw habang ang dalawa naman ay patuloy na inilalabas ang kanikanilang galing at lakas sa laban.
Sa mga huling sandali ng 5th round, ay nagawa ni Aung La N Sang na palabasin ang madugong uppercut niya upang mapatumba si Hasegawa.
Si ONE Strawweight World Champion Joshua “The Passion” Pacio ay nakuha naman ang Submission of the Year award kasabay ng ng kanyang pagkapanalo laban kay Pongsiri Mitsatit nitong Hulyo.
Pinangalan ni Pacio ang kanyang submission maneuver bilang “The Passion Lock”, ang produkto ng Team Lakay’s Baguio Jiu-Jitsu.
Napanalunan ni Lee Ji Na of Andong ng South Korea ang Girl of the Year award. Si Lee ay kilala bilang isang sikat na modelo na nakabase sa Seoul. Nagumpisa ang kanyang modelling career sa fashion kung saan nanalo siya sa Maxim bikini contest na nagbigay sa kanya ng isang spread sa world-renowned men’s magazine.
Ang exposure na ito ang nagdala kay Lee sa ONE Championship at ngayon ay isa na siya sa pinakakilalang ring girls.
Ang ONE: KINGDOM OF HEROES, na ginanap sa Impact Arena sa Bangkok, Thailand noong Oktubre 6 ay pinangalan na Event of the Year.
Ang Gym of the Year award ay napunta sa Baguio City, Phlippine-based Team Lakay. Nag-umpisa ang Team Lakay ngayong 2018 na may zero world champions, pero ngayon ay may tatlong ONE Flyweight World Champion Geje Eustaquio, ONE Strawweight World Champion Joshua Pacio, at ONE Interim Bantamweight World Champion Kevin Belingon.
Napunta kay Olivier Coste, isang ONE Championship veteran referee ang Referee of the Year award.
Simula pa lamang sa umpisa ng ONE Championship ay kasama na nila si Coste at siya na ang nanguna sa pag officiate para sa ONE Championship.
Ang Breakthrough Athlete of the Year honors ay ibinigay kay Stamp Fairtex ng Thailand, isang atleta galing sa Rich Franklin’s ONE Warrior Series at kakasali lamang sa ONE Super Series. Tinalo ni Stamp si “Killer Bee” Kai Ting Chuang sa ONE: KINGDOM OF HEROES nitong nakaraang Oktubre at kinoronahan bilang bagong ONE Kickboxing Atomweight World Champion.