TULOY na ang kasong korapsyon laban kay dating Philippine Karate-do Federation (PKF) secretary-general Raymond Lee.
Sinab-poena ni judge Dinnah Aguila-Topacio ng Manila Regional Trial Court (MRTC) Branch 42 ang mga karatekas na sina Engene Stoner, John Paul Bejar, Miyuki Tacay, Rexor Tacay, Jayson Ramil Macaalay at OJ de los Santos upang maging testigo hinggil sa kasong kanilang isinampa laban kay Lee.
Nasa pangangalaga ng Philippine Sports Commission (PSC) ang mga naturang atleta.
Kinasuhan ng PSC, sa pamamagitan ng National Burea of Investigation (NBI) si Reyes ng malversation of public fund matapos ang diumano’y kabiguang maibigay ang tig-US$1,800 budget ng mga atleta batay sa inabrubahan ng PSC para sakanilang pagsasanay sa Italy bago ang SEA Games sa nakalipas na taon.
Nabigong sumipot si Reyes sa unang imbitasyon na ipinadala sa kanya noong nakaraang Hulyo, ngunit umaasa naman ang grupo ng mga karatekas na sisipot ngayong Nobyembre 15 si Reyes sa branch 42 ng Manila city Hall.
“Sana po makasipot siya para maipaliwanag niya ang side niya. Para hindi na siya tularan ng ibang officials,” pahayag naman ng isa sa anim na karatekas.
-Annie Abad