NASA Cambridge sa Massachusetts, USA ngayon si Cavite Vice Gov. Jolo Revilla, where he is taking up a five-day executive education program for emerging leaders.
Nitong November 6, ipinost ng actor-politician sa kanyang Instagram account ang isang larawan showing the façade of Harvard University’s John F. Kennedy School of Government.
“Truly honored to mark this milestone in my personal and professional life as I partake in the Executive Education for Emerging Leaders of Harvard Kennedy School.”
Ayon sa school’s website, the session dates for the program will be from November 4 to 9. The fee costs $8,800 o P467,192.
Jolo filed his certificate of candidacy (COC) last October, and will seek another term as Cavite vice governor in the 2019 mid-term elections.
Samantala, kasama rin ni Jolo sa five-day executive education program sa Harvard Kennedy School ang dalawa pang local politicians na si San Juan City Vice Mayor Janella Estrada, anak ni dating Senator Jinggoy Estrada.
Nag-postsi Janella sa kanyang Facebook account ng photo niya with Jolo and San Juan, La Union Councilor Migz Magsaysay, na kandidato para mayor ng San Juan, La Union sa susunod na taon.
Si Migz ay apo ni Senior Citizen Party-list Rep. Mila Magsaysay.
Kuha ang larawan sa premises ng Ivy League school last November 4, Sunday.
Magandang move ito ng young politicians na magdagdag ng kaalaman kung paano sila mamamalakad sa kani-kanilang nasasakupan.
Kandidato para alkalde ng San Juan City si Janella, habang re-electionist si Jolo. Kapwa tatakbong senador naman ang mga ama nilang sina Jinggoy at dating Senador Bong Revilla.
-Ador V. Saluta at Nora V. Calderon