WALANG dudang naging matagumpay ang ABS-CBN sa paglulunsad ng digital TV. Tatlong taon pa lang ang nakalipas pero nakabenta na ng 6.1 million ang TV plus ng Kapamilya network as of October 10, 2018.

Mukhang effective ang endorsement dito ni Coco Martin, na sa isang Twitter post ni Biboy Arboleda ay makikitang dinumog ang aktor ng kanyang fans sa San Jose Del Monte, Bulacan, para sa TV Plus Sorpresaya Truck event.

At ngayon, may bagong pasabog ang ABS-CBN sa digital world sa paglulunsad nito ng service app na ala-Netflix ang dating. Tatawagin itong iWant, hindi na iWant TV. At mga orihinal na serye at pelikulang digital ang ipalalabas sa iWant!

Bilang buena mano, sa iWant lang mapapanood simula sa Nobyembre 17 ang pinag-uusapan ngayong digital movie na Glorious, kuwento ng May-December affair na pinagbibidahan nina Angel Aquino at Tony Labrusca.

Tsika at Intriga

Chloe, matapang na niresbakan nagsabing niretoke ilong niya

-Ador V. Saluta