TAGAYTAY City – Naitala ni International Master Chito Garma ang sopresang panalo nang gapiin ang defending champion na si Grandmaster Eugene Toore(ELO 2449) sa ikalimang round ng 9th Asian Seniors Chess Championship (Standard event) nitong Miyerkules sa Tagaytay International Convention Center.

Naungusan ni Garma (Elo 2317), pambato ng Marikina Chess Club ni sportsman Thaddeus Antonio “Boy Bolok” Santos Jr., ang maalamat na chess GM sa ika-56 sulong ng London System Opening para maagaw ang sosyong pangunguna sa 34-player, ten-nation competition sa torneo na duportado ng Tagaytay City government sa magiting na pamumuno nina Cavite 7th District Cong. Abraham “Bambol” Tolentino Jr. at Tagaytay City Mayor Agnes Tolentino.

“Ganda pagkalaro ni Chito (Garma). Bigla siya nag response ng d5 kasi alam niyang mag London System Opening si Eugene (Torre),” pahayag ni US based Cebuano GM Richard Bitoon.

Tabla si Garma, dating panlaban ng University of Manila (UM) kay National Master Cear Caturla, nagwagi kontra Indonesian Fide Master Syarif Mahmud (2162) tangan ang 4.5 puntos.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Makakalaban ni Garma si Caturla sa ikaanim na round.

Nagpakitang gilas din si third seed International Master Petronio Roca (2376) ng Dasmariñas City, na nasa kandili nina Philippine Economic Zone Authority (PEZA) Deputy Director General Theo Panga at Dasmariñas City mayor Elpidio “Pidi” Barzaga Jr., matapos niyang pisakin si ninth seed Than Khin (2200) ng Myanmar.

Dahil sa natamong tagumpay ay umakyat si Roca sa third place na may 4.0 points.

Sa iba pang kagapana ay nanaig si IM Angelo Young sa kababayang si FM Adrian Ros Pacis; tinalo ni FM Rinas Oleg ng Kazakhstan si CM Tony Davis ng Australia; binigo ni NM Carlo Lorena si Kuanishbek Jumadullayev ng Kazakhstan at angat si NM Roulzon Roullo kay NM Stewart Manaog.

Nakalaan sa magkakampeon ang $500 sa torneong ito na inorganisa ng Tagaytay Chess Club sa pakikipagtulungan ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) at ng Asian Chess Federation (ACF) na suportdao ng Philippine Sports Commission (PSC) kung saan ang magwawagi naman sa over-65 category ay makatatangap ng US$350.