HANGGANG sa mga oras na ito ay wala pa ring ibinibigay na official statement ang pamilya ni Diego Loyzaga, at maging ang talent management ng aktor na Star Magic, kaugnay ng isyu ng umano’y pagtatangka nitong magpatiwakal.
Ang ibinigay lang na statement nitong Huwebes, mula sa publicity head ng Star Magic na si Thess Gubi ay, “Diego and family are doing fine. And are requesting for privacy. Thanks.”
Nagsimula sa blind item ang isyu kay Diego, na umano’y naglaslas ng pulso kaya napaulat na itinakbo sa St. Luke’s Hospital sa Quezon City, nitong Miyerkules ng gabi.
Depression ang duda ng lahat kaya nagawa raw ni Diego iyon. Matatandaang nabanggit dati ng aktor na kapag sumasapit ang “ber” months ay nade-depress siya, dahil naalala niya ang lolo niyang si Caloy Loyzaga (tatay ng mama niyang si Teressa Loyzaga), na sobrang close sa kanya.
Anyway, as of this writing, according to our reliable source, ay nakalabas na raw ng hospital si Diego, pero hindi pa siya iniuwi sa bahay nila.
“Lumabas na si Diego last night (Huwebes), inilipat siya sa rehab (rehabilitation), at wala namang imik nu’ng sumakay siya,” kuwento pa sa amin ng source.
Hoping for the best kami para kay Diego, dahil may umeere siyang serye ngayon, ang Los Bastardos, at ang ganda ng karakter niya roon bilang si Joaquin Cardinal.
Anyway, laging bukas ang BALITA para sa anumang pahayag mula sa pamilya ni Diego at ng Star Magic.
-REGGEE BONOAN