COX’S BAZAR, Bangladesh (AP) — Iniimbestigahan ang anim na katao na suspek sa human trafficking matapos na sagipin ng mga Bangladeshi guards ang nasa 50 Rohingya refugees mula sa bangkang patungo sa Malaysia sa pamamagitan ng pagdaan sa Bay of Bengal, sinabi ng isang opisyal, nitong Huwebes.
Ayon kay Pradip Kumar Das, officer-in-charge sa Teknaf, 33 refugee, kabilang ang siyam na bata, ang nasagip mula sa isang bangkang pangisda malapit sa Saint Martins Island nitong Miyerkules. Habang 14 pang Rohingya ang unang sinagip sa Shahporir Island. Anim na hinihinalang Bangladeshi traffickers ang inaresto habang ang mga nasagip na refugee ay ipinadala sa kanilang kampo sa distrito, aniya.
Ayon kay Das, niloko sila ng mga trafficker sa pangakong kasal at trabaho sa Malaysia.
Aniya, sinasabi sa kanila ng mga refugee na nagbayad sila sa mga trafficker.
“I paid 10,000 takas ($120) to a Rohingya man who told me he will send me to Malaysia. He has chosen a man there for me for my marriage,” ayon sa 17-anyos na refugee.
“I attempted once at night but returned as my boat left before I could reach there recently,” anito.