AMINADO si Gymnastics Association of the Philippines (GAP) President Cynthia Carrion na hindi magiging madali para kay Carlos Yulo ang makapasok sa 2020 Tokyo Olympics ngunit tiwala siya sa determinasyon at galing na ipinapakita ng batang gymnast.

Sa kabila ng nakamit na bronze medal ni Yulo sa World Artistic Gymnastics Championship na ginanap sa Doha Qatar, kailangan pa rin niya na doblehin ang galing sa kanyang paglahok sa iba pang qualifying games.

“It’s not easy to qualify in the Olympics especially in gymnastics. That’s why he has to compete in all these tournaments,” ayon kay Carrion.

Sinabi ni Carrion na kailangan lumahok ni Yulo sa ilang kompetisyon sa labas ng bansa, tulad ng Cottbus World Cup na nakatakdang gawin sa Germany sa Nobyembre 22-25.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Napabilang si Yulo sa torneo bilang kasama sa top 24 ng World Championship.

“That’s why we’re working on his German visa only now. We don’t want to put too much pressure on him but we are very hopeful,” pahayag ni Carrion.

Kasalukuyang naka base sa Japan si Yulo kung saan sumasailalim sa training ng kanyang coach na si Unehiro Kugiyama.

-Annie Abad