TAGAYTAY CITY - Giniba ni Grandmaster Eugene Torre (2449) ang kababayan na si International Master Angelo Young (2281) para makopo ang solong liderato matapos ang 3rd round ng 9th Asian Seniors Chess Championship (Standard event) nitong Lunes sa Tagaytay International Convention Center .

Napatatag ni Torre ang kampanya na maidepensa ang korona sa 60-plus over class nang patahimikin si Young para sa ikatlong sunod na panalo sa 34- player-field, 9-round World Chess Federation (FIDE) tournament na inorganisa ng Tagaytay Chess Club sa pakikipagtulungan ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) at Asian Chess Federation (ACF) at suportado ng Philippine Sports Commission (PSC), at Tagaytay City government, sa pangunguna nina Cavite 7th District Congressman Abraham “Bambol “ Tolentino Jr. at Tagaytay City Mayor Agnes Tolentino.

“I hope to sustain my form,” sabi ni Torre na nagdiwang ng kanyang ika-67 na kaarawan nitong Linggo.

Ang Iloilo native na si Torre ay tangan ang puting piyesa para talunin si Young matapos ang 51 moves ng Larsen Opening.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Dahil sa panalo ni Torre, nakaabante si Torre ng kalahating puntos sa mga kababayan na sina International Masters (IMs) Chito Garma and Petronio Roca, National Masters (NMs) Cesar Caturla, Carlo Lorena at Rolzon Roullo at Than Khin ng Myanmar.

S a f o u r t h r ound a y makikipagtagisan ng isipan si Roca kontra kay Torre, karibal ni Garma si Lorena, katapat ni Roullo si Caturla at kalaban naman ni Khin si Fide Master (FM) Oleg Rinas ng Kazakhstan.

Sa iba pang kaganapan sa round 3, tabla si Garma kay Khin sa 55 moves ng London System Opening, binigo ni Roullo si Kuanishbek Jumadullayev ng Kazakhstan sa 52 moves ng Pirc defense, kinaldag ni Roca si International Master (IM) Aitkazy Baimurzin ng Kazakhstan sa 56 moves ng St. George defense, ungos si Caturla sa kababayan na si National Master Efren Bagamasbad sa 80 moves ng English Opening, nagwagi si Lorena sa kababayan na si National Master Rosendo Bandal Jr. sa 27 moves ng Catalan Opening at nakipag-draw si Manaog kontra kay Rinas sa 107 moves ng Catalan Opening.

“I’ll just take it one game at time. Matagal pa ito,” sambit ni Torre, naunang nanalo kontra kina Angelito Camer ng Australia at NM Rosendo Bandal.

Diliman, wagi sa Fr. Martin Cup

GINIBA ng Diliman College Blue Dragons ang Letran Knights, 103-86, para mapanatili ang titulo sa senior division ng 16th Fr. Martin Cup Division 2 basketball tournament kamakailan sa St. Placid gymnasium sa loob ng San Beda University-Manila campus.

Hataw si Kevine Gandjeto sa naiskor na game-high 20 puntos para sa ikatlong conference title ng Blue Dragons.

Nag-ambag si Joseph Brutas ng 19 puntos, habang kumana si JM Salazar ng 15 puntos.

Sa junior division finals, pinangunahan ni John Matthew Bravo at Ken Laquibla ang First City Providential College Eagles of San Jose del Monte, Bulacan kontra La Consolacion College-Manila Baby Blue Royals, 77-74.

Kumana ng tig-19 puntos sina Bravo at Laquibla para sa Eagles na umani ng suporta kabilang si school president Leo Vinci Simon.

Pinangunahan ni Gandjeto ang 13-0 blast sa second period, para mailayo ang Blue Dragons sa 53-34.

“Thank God, we were blessed with enough endurance to win this one, and players who are hungry to win, and are willing to play hard every game,” pahayag ni Dragons coach Rensy Bajar.

Nakamit ng Dragons ang ikatlong kampeonato mula nang maangkin ang Collegiate Open at Division 2 plum.

Umusad sa Finals ang Knights, sa pangunguna nina King Caralipio at Jap Pambid na umiskor ng 16 at 13 puntos, matapos gapiin ang Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa Marshals, 94-80, sa semifinals.