Huwag nang magtaka kung mataas na ang sisingiling pasahe sa tricycle sa Quezon City.

Ito ay makaraang aprubahan ng pamahalaang lungsod ang City Ordinance No. 2575-2018 para gawing P9 ang P8 pasahe kada pasahero para sa regular trip, habang aabot naman sa P18 mula sa dating P16 ang special trip.

Aprubado rin ng pamahalaan ang P1 na dagdag sa bawat kilometro para sa regular at special trips.

Gayunman, makakukuha pa rin ng 20 porsiyentong diskuwento ang mga estudyante, senior citizen, at persons with disabilities (PWDs).

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

“Senior citizens, persons with disabilities (PWDs), and students who enjoy a 20 percent discount rate will be charged P7.20 every regular trip, plus fifty centavos for every kilometer thereafter in regular trips. They will be charged P14.40 for the first kilometer plus fifty centavos for every kilometer thereafter in special trips,” saad sa ordinansa.

Idinahilan naman ng mga konsehal na pumirma sa ordinansa na kailangan na ring magtaas ng pasahe sa tricycle dahil na rin sa pabagu-bagong pagtaas ng produktong petrolyo.

“Seven years had passed and despite the increase in fuel commodities since 2011, particularly in December 2016 when the average price for gasoline was listed at P46.30 based on the Department of Energy Oil Monitor, and the swelling demand for its services, fare in tricycles for hire have not been increased,” sabi pa sa ordinansa.

-Alexandria Dennise San Juan