DAHIL sa suspension – isang desisyon na itinaas ng kilay ng mga tagahanga ng Lyceum of the Philippines star player CJ Perez – napunta ang MVP Awards kay Nigerian Prince Eze ng San Beda sa 94th NCAA senior basketball tournament.
Nakolekta ni Eze ang Player All-Around Value (PAV) na 61.89, higit na mas mataas sa pumangalawang si Bong Quinto ng Perpetual Help na tinanghal na second MVP winner mula sa Las Pinas-based team matapos ni Earl Scottie Thompson ng Ginebra may apat na taon na ang nakalilipas.
Putok na makukuha ni Perez ang ikalawang MVP title, ngunit napatalsik siya sa laban bunsod nang suspension na ipinataw ng NCAA Management Committee nang mag-apply siya sa PBA Rookie Drafting nang walang pormal na paalam sa liga.
Pinalitan si Perez sa First Team ni San Beda’s Donald Tankoua na may statistical points na 46.56 PAV, kasama ang kasangga niyang si Robert Bolick (48.39) at Javee Mocon (47.89).
Nasungkit din ni Eze ang Defensive Player of the Year plum.
Tinanghal na Rookie of the Year si Larry Muyang, habang si Arellano U’s Archie Concepcion ang Most Improved Player awardee.
Nakuha ni College of St. Benilde-La Salle-Greenhills’ Joel Cagulangan ang juniors MVP na may 52.24 statistical points kasunod si Arellano University Aaron Fermin.