CAMP GEN. PANTALEON GARCIA, IMUS, Cavite – Patay ang mag-asawang matanda nang tupukin ng 30-minutong sunog ang kanilang bahay sa Francel Corp. Compound sa Sitio Tibag, Barangay Panapaan III, Bacoor City, Cavite nitong Martes.
Natagpuan ang tustadong bangkay nina Sozimo Aldana Nario, 71; at Mercedita Villare Nario, 65, sa loob ng tupok din nilang bahay.
Iniulat ni SPO1 Michael V Legaspi Jr. na Sozimo ay kagawad ng Bgy. Panapaan III, habang caretaker naman sa compound ang misis nito.
Posibleng nahihimbing ang mag-asawa nang sumiklab ang sunog bandang 3:07 ng umaga.
Tinatayang aabot sa P50,000 ang kabuuan ng pinsala ng sunog.
-Anthony Giron