WALANG masamang damo para sa batikang aktres na si Gina Pareño. Big influence sa kanya ang Dr. Love Radio Show ni Bro. Jun Banaag, na nakatulong nang malaki upang lumalim ang pananaw niya sa pananampalataya.

Tita Cris at Gina

Tita Cris at Gina

Off camera ay isa siyang maalalahanin at mabuting kaibigan. Press people love Gina dahil sa kanyang kabaitan . “Mahal” ang tawag niya sa bawat isa.

Nang maoperahan ang dating entertainment editor ng Manila Bulletin na si Crispina Belen due to fractured bone ay isa si Gina sa mga dumalaw kay Tita Cris sa FEU Hospital sa Fairview.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sa kanyang post, sinabi ni Tita Cris: “I am so touched sa gesture na ito ni Gina. She braved the traffic para lang ako mabisita. I really appreciated it. God bless you, Gina.”

Naging matagumpay ang operasyon ni Tita Cris at kailangan niyang sumailalim sa rehab treatment para mapabilis ang recovery niya at muli siyang makalakad.

There was a time also na sumama si Gina sa medical mission organized by Bro. Jun at ng mga pilgrims in collaboration with DZMM. Sa abot ng kanyang makakaya ay tumutulong din ang aktres sa mga kapos-palad sa Iba, Zambales.

Ito ang ibang mukha ni Gina Pareño, na umani ng papuri sa mahusay niyang pagganap sa movie nila kamakailan ng isa pang beterano, si Eddie Garcia, ang Hintayan sa Langit.

-REMY UMEREZ