Nag-isyu ng NOTAM o Notice to Airmen ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Operations Center (OPCEN) kaugnay ng pagsasara ng Bacolod-Silay Airport runway 03/21 bukas, Nobyembre 9.
Ayon sa ulat ng CAAP, ang temporary shutdown ng runway ng nasabing airport ay isasagawa ng 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.
Ito ay para bigyang-daan ang gagawing full scale emergency exercise bilang pagsunod sa Aerodrome Certification.
Nabatid na ang isasara ang runway sa nakatakdang petsa at oras, at nakikipag-ugnayan na ang Bacolod-Silay Airport sa mga airline company kaugnay nito.
Pinaalalahanan ng CAAP ang mga apektadong pasahero na agad makipag-ugnayan sa kanilang airline companies para sa kanilang flight schedule.
-Bella Gamotea