Pinakamahalaga sa kahit na anumang labanan ang papel ng isang referee at mga table officials. Kaya naman para maging lalong maayos, kukunin ng Quezon City Basketball League (QCBL) ang serbisyo ng mga referees at table officials ng Samahang Basketball Technical Commission (SBPTC) para sa ikaaayos ng mga labanan na sisimulan ngayon Nobyembre hanggang Enero.

Kukunin ng Quezon City basketball league ang serbisyo ng mga referees buhat sa Samhang Basketbol ng Pilipinas, para sa patas na game officiating. (ANNIE ABAD)

Kukunin ng Quezon City basketball league ang serbisyo ng mga referees buhat sa Samhang Basketbol ng Pilipinas, para sa patas na game officiating. (ANNIE ABAD)

Ito ang pinahayag mismo ni QCBL Operations head Oliver Bunyi na hindi sila magbabaksakali pagdating sa game officiating upang maging patas ang bawat laro ng bagong liga.

“We don’t want to take any chances in terms of officiating so have partnered with the SBP officiating team for our first conference,” pahayag ni Bunyi. Dahil dito sampung FIBA referees at 40 SBP national referees ang ipapahiram ng SBP para sa QCBL sa pangunguna ni Executive Director BJ Manalo, na dating player ng De La Salle University archer at team official ng Philippine Basketball Association. “We believe in the fairness, honesty and high-quality of officiating of the SBP and FIBA referees. I’m sure the team owners in our league will be very happy with this development,” ani Manalo. Kaugnay nito, makikipagpulong ang mga QCBL officials ngayong araw na ito sa mga team owners buhat sa tatlong iba’t ibang divisions na Starters, Cadets at Open. Walong koponan ang kabilang sa Starters na haharap sa pulong at magpapadala ng kanilang kinatawan. Kabilang sa mga koponan ay ang Regalado Vet, Bendovah Bully Camp, Insignia Builders, Dr. Ds Dental, HE Photography, Gold’s Gym, Nemesis, EAs Taste of Asia. Kasama naman na koponan sa Open at Cadet divisions ay ang St. Clare, Emilio Aguinaldo College, One Top Medical, Shoemakers, Team Kyzox, SV Aces, SSI Metal and Hiper. Schools na magpapadala din ng kanilang mga kinatawan. Layunin ng QCBL na ilapit sa sports sa pamamagitan ng basketball ang mga kabataan ng Quezon City. “We’re not really competing against other leagues. In fact, we want to work with them para ma-develop pa yung mga future na manlalaro ng basketball, and at the same time, opportunity for us na makakita ng future coaches at future basketball players,” ayon kay Bunyi.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

-Annie Abad