SA mini-presscon na ipinatawag ni katotong Jun Lalin para kay Regine Velasquez para sa promosyon ng kanyang latest three-night concert na may titulong Regine At The Movies.

Regine at Ogie copy

Gaganapin ang naturang concert sa New Frontier Theater (dating Kia Theater) sa Nobyembre 19, 24, 25 at ang special guest niya sa unang gabi ay si Piolo Pascual, si Sharon Cuneta naman sa sumunod na gabi at Daniel Padilla sa huling gabi. Iba’t iba raw ang magiging repertoire rito at tampok dito ang theme songs ng ng mga lumang pelikula, tagalog man o foreign film. Almost 50 kanta raw ang kailangan memoryahin ni Asia’s Songbird para sa concert niya.

Ano naman kaya ang theme song nila ng asawang si Ogie Alcasid na puwede niyang kantahin sa Regine At The Movies?

Tsika at Intriga

Marco Gumabao at Cristine Reyes, nag-followan ulit pero 'di raw nagkabalikan

“Ahh, yung Sa Piling Mo na kinanta sa Captain Barbell na siya rin ang nag-composed.”

Eh sa English movies?

“Parang wala…wala …wala nga,” sagot ni Regine.

Ano naman ang masasabi niya sa bashers na nambu-bully sa kanya dahil lumipat siya sa ABSCBN?

“God bless them all.”

Maikli at klaro lamang ang sagot niya. Nabanggit din niyang hindi na raw niya idedemanda ang mga bashers niya.

Oo nga naman. Forgive and forget na lang para iwas stress sa buhay, ‘ika nga.

Si Raul Mitra ang musical director at si Paolo Valenciano naman ang direktor ng Regine At The Movies.

-MERCY LEJARDE