Mga laro ngayon

Cuneta Astrodome

4:30 pm Meralco vs. Phoenix

7:00 pm Alaska vs. San Miguel

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ganap na makausad sa semis ang target ng no.2 seed Phoenix at 3rd seed Alaska sa pagsabak nila sa magkahiwalay na laro ngayon sa pagpapatuloy ng quarterfinals ng 2018 PBA Governors Cup sa Cuneta Astrodome.

Kapwa may bentaheng twice-to-beat ang Fuel Masters at ang Aces gaya ng naunang sumabak kahapon sa simula ng playoffs na topseed Barangay Ginebra at 4th seed Magnolia.

Mauunang sumalang ang Fuel Masters na kakalabanin ang rumaratsada sa pagtatapos ng eliminations na Meralco Bolts na pumasok na no.7 team ganap na 4:30 ng hapon at susunod ang Aces na haharapin naman ang 6th seed San Miguel Beer sa tampok na laban ganap na 7:00 ng gabi.

Sa nakuhang bentahe pagpasok bilang no.2, optimistiko si Phoenix coach Louie Alas na malaki ang pag-asa nilang umabot sa unang pagkakataon sa semifinals.

Gayunman, aminado rin syang delikado ang kanilang makakalaban lalo pa’t beterano na ang mga ito sa ganitong playoffs.

“Dangerous ang makakalaban, Neralco is more experienced ,two consecutive years in the finals, galing pa sa four-game winning streak. Pero siyempre gusto namin sitwasyon namin. You never know, baka mag-semis kami this conference, ani Alas.

Gaya ng Phoenix, nakakasinag din ng magandang tsansa ang Bolts pagkaraang tumaas at bumalik ang dating laro ng import na si Allen Durham na nagsisilbi ring inspirasyon sa kanyang mga local teammates na nagresulta sa 4-game winning streak sa pagtatapos ng elims.

Naghahangad ng kanilang ikatlong sunod na Finals appearance, ito na ang ikalimang sunod na “must win” game na sasabakan mula noong eliminations.

“Again, we will treat it with a sense of urgency,” ani Meralco coach Norman Black sa nakatakdang duwelo nila sa Phoenix.

“Handling their full court pressure and controlling our defensive boards will be the keys to this game,” dagdag nito bilang pahaging sa kanilang plano.

Sa tampok na laban, sa kabila ng bentaheng twice-to-beat na taglay ng katunggaling Aces, naniniwala si Beermen coach Leo Austria na kahit paano ay mayroon nanang silang tinatawag na psychological advantage kontra sa mga ito matapos ang naitala nilang tatlong kampeonato noong 2015 at 2016 kung saan tinalo nila ang Alaska.

“I hope nandoon pa rin yung edge namin sa kanila, psychologically,” ani Austria.

Gayunman, naroroon din sa sulok ng kanyang isip na maaari din itong gamitin ng Aces laban sa kanila.

“It could turn out to be a motivating factor para sa kanila, dahil alam nila na lagi kami yung hindrance sa kanilang pagiging successful sa ligang ito,” dagdag ni Austria.

-Marivic Awitan