Naniniwala ang Philippine National Police (PNP) na malaking tulong ang umiiral na martial law sa pagbaba ng overall crime rate sa Mindanao.

Ayon kay Director Mao Aplasca, ng PNP Directorate for Operations, bumaba sa 37 porsiyento ang crime rate sa rehiyon.

Binanggit ni PNP chief Oscar Albayalde na ang monthly average index crime rate sa Mindanao ay 8.75% noong 2017 at bumaba sa 5.92% simula Enero hanggang Setyembre 2018.

Ani Albayalde, nakikita ng PNP na nakatulong ang batas militar sa overall peace and order situation sa Mindanao.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Dagdag pa niya, ang sentimiyento ng general populace sa Mindanao ay pabor sa martial law dahil sa improvement sa peace and order situation sa lugar.

Suportado umano ng PNP ang pagpapalawig ng batas militar sakaling ito ang maging desisyon ng Malacañang.

-Fer Taboy