COTABATO CITY – Inakusahan ng pangunahing mga opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PHIC) o PhilHealth ang kanilang acting president and CEO ng umano’y graft and corrupt practices, malversation of funds, abuse of authority, at grave misconduct, gross dishonesty at conduct prejudicial to public interest.

Si Dr. Roy Benedicto Ferrer, PHIC acting president and CEO, ang tinukoy na respondent sa 23-pahinang reklamo na inihain ng mga abogadong sina Jelbert Galicto at Suzette Punay, Patrick Angelo Uy, Khristin Tan, Germaine Tan, Johana Blazon, Christopher Molina, Rosalie Ann Bajo, Ma. Teresa Tesoro, Mary Crace Socorro Gonzalo, Jonas Matthew Pang, at Filbert Bryan Sollesta at lahat ng pangunahing mga opisyal ng PhilHealth sa Ombudsman- Mindanao nitong Oktuber 31.

Sa press statement sa ipinadala sa media nitong Lunes, ang 12 reklamo ay nagsasabing ang PHIC “lost P4.75- billion last year” at ang problema ay “compounded” ng mga ginawa ni Dr. Ferrer.

Nitong Pebrero 2017, anila, si Ferrer ay itinalagang miyembro ng PHIC Board of Directors, ngunit makalipas ang tatlong buwan ay nag-apply at pinagkalooban ng three-year PhilHealth accreditation bilang healthcare professional ni dating PHIC Regional Vice President (Davao City) Rodolfo Del Rosario, Jr. Del Rosario at kinilala head ng PHIC-Davao sa kahilingan umano ni Dr. Ferrer, anila.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ipinagdiinan nila na si Ferrer ay itinalaga ni Pangulong Duterte bilang PHIC acting president/CEO noong Hunyo 5, 2018, ngunit hindi niya isinuko ang kanyang healthcare accreditation, nagpatuloy umano sa pangongolekta ng “professional fees” na aabot sa P604,080 na dagdag sa kanyawang suweldo at allowance na P1.55M bilang agency official noong 2017.

Kinuha rin umano ni Dr. Ferrer ang authority ng PHIC field officials sa bansa sa pamamagitan ng pamumuno at pangunguna sa regional management committee (ManCom) conferences sa Davao City.

Sa kanilang reklamo, nagsampa ng kaso ang 12 complainant sa Ombudsman para sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, Malversation of Public Funds, the National Health Insurance Act, at Ethical Standards of Public Employees (R.A. 6713), administrative offenses of grave misconduct, gross dishonesty, at conduct prejudicial to the best interest of the service.

-ALI G. MACABALANG