Opisyal nang itinalaga ni Pangulong Duterte si Noel Kinazo Felongco bilang lead convenor ng National Anti-Poverty Commission (NAPC), kapalit ng nagbitiw na si Liza Maza.

Bukod kay Felongco, itinalaga rin ng Pangulo si Alvin San Juan Feleciano bilang bagong chairperson ng Presidential Commission on the Urban Poor (PCUP).

Pinalitan ni Feliciano si Terry Ridon, na sinibak naman sa puwesto dahil sa umano’y madalas na pagbibiyahe abroad.

-Beth Camia

Proseso ng impeachment kay VP Sara, posibleng magahol sa oras?