Boracay Island- Isang 17 anyos na Filipino Norwegian ang kasalukuyang nagsisilbing inspirasyon sa mga mahihilig sa sea water sports sa isla ng Boracay.
Ito ay matapos na mapanalo n i Christian Tio ang silver medal sa isinagawang Youth Olympic Games sa bansang Argentina nitong October.
Ayon kay Tio, sa nakalipas na sampung taon naging training ground na niya ang Bulabog beach sa Boracay sa larong kite boarding. Nalungkot na lamang siya ng ipasara ang Boracay sa loob ng anim na buwan at mahigpit na pansamantalang ipagbawal ang ano mang uri ng sea water sports.
Dahil dito, kailangang gumastos si Tio sa kaniyang training sa kite boarding dahil nalalapit niyang competition sa Youth Olympic Games sa Argentina. Imbes na sa Boracay mag training, napilitian si Tio na sa Manila at sa ibang bansa na lamang ipagpatuloy ang kaniyang training bago sumalang sa nasabing competition.
Ayon sa kaniya, bagaman frustrated siya noong una pinilit niyang maging mas malakas para makamit ang silver medal sa Youth Olympic Games.
Isa si Tio sa nanguna sa pag kite boarding ng muling payagan ng Boracay Inter Agency Task Force ang muling paglalayag ng mga non motorized sea water spors sa Boracay.
-Jun N. Aguirre