PINANGUNAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamamahagi ng Certificates of Land Ownership Award (CLOAs) sa mahigit 3,400 agrarian reform beneficiaries (ARBs), na sumasakop sa 5,808 ektaryang lupain sa Northern Mindanao, kamakailan.
Sa limang probinsiya ng rehiyon, ang Lanao del Norte ang may pinaka maraming bilang ng ARBs na may 1,807,664 na collective beneficiaries at 1,143 ndividual recipients.
May kabuuang 3,857 ektarya sa Lanao del Norte ang sakop ng agrarian reform program na nasa bayan ng Nunungan, Sapad, at Munai.
Ayon sa Department of Agrarian Reform-10 (DAR-10), kabilang sa mga makatatanggap ng CLOA ay mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) mula Munai, na nabigyan ng mahigit 613 ektarya.
Sumusunod sa Lanao del Norte ang Bukidnon na may kabuuang 1,218 benepisyaryo para sa 1,527ektarya; Misamis Oriental, 241 benepisyaryo sa 296 ektarya; at Misamis Occidental, 134 benepisyaryo sa 127 ektarya.
Sa lungsod ng Gingoog, sa Misamis Oriental, nasa 283 ektarya ang ipinamahagi sa mga dating miyembro ng New People’s Army (NPA), na bumuo ng samahang Tagpako Farmers’ Cooperative.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Duterte na iniutos na niya kay Agrarian Reform Sec. John Castriciones na gawing prayoridad ang pamamahagi ng lupa na sakop ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) sa mga probinsiya.
“I told him to give everything up for land reform there in Bacolod. For the beneficiaries who were unable to benefit from it, I ordered Secretary Castriciones to give it away. But don’t steal and kill people because if you do, my order to the police and the military is to have you evicted,” paalala ng Pangulo.
Nangako si Duterte na ibibigay niya ang mga lupa sa mga karapatdapat na benepisyaryo ngunit ipinaalala nito na hindi ito magagawa ng isang tulong lang, kaya’t wala rin umanong dahilan para sapilitan pang okupahin ang mga ari-arian.
“Just wait because I can’t speed things up,” aniya.
Pinaalalahanan din ng Pangulo ang NPA na huwag okupahin ng sapilitan ang mga pribado at mga government property.
“Do not confiscate or seize or occupy the lands that are already owned. Don’t do that. Don’t steal lands that already have tenants,” giit niya.
“Let’s talk. I’ll give you land. What will I do with those anyway? It’s not mine. I told Secretary [Castriciones] to distribute government-owned lands tomorrow…the lands that weren’t included as reservation for schools”.
Ipinag-utos din ni Duterte sa militar at pulisya na arestuhin ang mga komunistang grupo at ang kanilang mga ginagamit na organisasyon kung manlaban.
PNA