NAG-POST si Janice de Belen sa kanyang Instagram para ipaalam na kasama siya sa Celebrity Bazaar nitong November 2-4, sa Crossroads Mall sa Tandang Sora, Quezon City.

Janice de Belen

“Here at the Crossroads Mall Bazaar in Tandang Sora Ave!!! See you!” post ni Janice, habang nasa harap niya ang mga itinitinda niyang cookies: cranberry oatmeal w/ walnuts, cheese cupcakes, at choco chips cookies.

Isang netizen, si @evaaguilar08, ang nag-comment sa post ni Janice: “Braso ba ‘yan o pata…”, tinukoy ang braso ng aktres.

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

Kaagad namang sumagot si Janice: “@evaaguilar08 ano ba ang gusto mo sa dalawa?”

Wala nang iba pang isinagot si Janice, at ang mga fans na niya ang kumuyog sa comment box ng nasabing netizen.

“Si @evaaguilar08: @danakobe @super_janice, dakilang ina sa mga anak, dun nababase ang kagandahan ng isang babae, mabuting anak at kapatid, dun nababase ang tunay na kagandahan ng isang babae. Para sa akin ikaw ay maganda sa loob at labas, ipinakita mo ang tapang at katatagan bilang ina sa iyongb mga anak.

“Hindi basehan ang panlabas na anyo para ikaw ay purihin kundi ang kagandahan ng loob. Kaya para sa akin, ikaw ang dakilang babae na dapat tularan. Ang kagandahan, kumukupas pero ang pagiging matatag at may talentong katulad mo ay ‘di kailanman kukupas.”

Nagkomento rin si @areyes1227: “Bakit diyan sa ‘Pinas kung maka-comment ang mga tao very rude and insensitive. Like what @evaaguilar08 commented. Kung may problema ka sa mga voluptuous women then keep it to yourself. And one more thing, please look in the mirror kung ano ang itsura mo bago ka manlait.”

Bumawi naman sa papuri si @bethchai813: “So flawless and beautiful!”

Sabi ni @carlosflores241: “Mauubos agad ‘yan kasi ganda ng tindera.”

Resbak ni @axelquel: “@evaaguilar08 kagandahan ka ba, ha?”

Sumegunda si @te_amo_adagio: “My God, if u think her arms is a disturbance on you, pls have a life, she doesn’t deserve such a comment like that from u, she doesn’t owe u a thing. Mga tao husga-husga, feeling walang mabaho sa katawan nila.”

-Nora V. Calderon