Ipinakilala ang bagong koponan ng Makati sa Maharlika Pilipinas basketball League (MPBL) kahapon na ginanap sa loob ng Dasmarinas Village Makati.
Buhat sa dati nitong pngalan na Makati Sky Scrapers, sila ngayon ay tatawagin ng Makati Super Crunch, kung saan mismong ang team owner na si Paolo Orbeta ang humarap sa media upang pasinayaan ang bagong pangalan ng koponan ksama ang may ari ng PriFoona si Enrico Yap Jr.
“We are happy with the support of the Super Crunch and we are grateful to Mr. Yap for the trust in the Makati team,” pahayag ni Orbeta.
Dumalo din sa nasabing pagpapasinaya ang team coach na si Paolo Pineda na nangkong isang malakas na koponan ang mpapapannod ng mga basketball enthusiasts sa labanang ito ng MPBL.
“We promise to work harder and play better game so we can make Super Crunch proud of us,” ani Pineda.
Inamin din ng koponan na nasa plano ng Super Crunch na pasukin ang pinakamatagal nang liga sa Pilipinas, PBA sakaling mabigyan umano sila ng [pagkakataon.
“Don’t look now, but Super Crunch has plans to enter the PBA in the coming years and if given the chance would like to be of help also to our national team and other sports as well,” pahayag naman ng team manager na si Martin Arenas.
-Annie Abad