Ikokonsidera ng pamahalaan ang paghahain ng diplomatic protest kapag napatunayang totoo ang ulat na nagtayo ang China ng weather monitoring stations sa pinag-aagawang West Philippine Sea o South China Sea.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, titiyakin pa ang naturang ulat, idinagdag na nakadepende sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang nararapat na aksiyon.

“We have to get confirmation of that since that is merely a news report,” sinabi niya sa news conference sa Palasyo.

Nang tanungin kung maghahain ang pamahalaan ng objection sakaling totoo, sinabi ni Panelo: “Certainly, the DFA will do its work and make the necessary diplomatic protest.”

Internasyonal

Driving company Waymo, gisado matapos matiklong may empleyadong Noypi

Napaulat na sinimulan na ng China na mag-operate ng weather monitoring stations sa tatlong artificial islands sa pinag-aagawang isla.

Ang mga istasyon, na matatagpuan sa Fiery Cross, Subi at Mischief reefs, ay iniulat na gagamitin upang matiyak ang navigational safety sa South China Sea, ayon sa Chinese Foreign Ministry.

At nang tanungin kung naaalarma ang Palasyo sa pinakabagong galaw ng China, sinabi ni Panelo: “These are news reports. We have not validated that. But if they are validated, I’m sure the new Secretary of Foreign Affairs will do his job.”

-Genalyn D. Kabiling