Sinimulan na ng mga awtoridad sa Mexico ang paghuhukay ng mga labi sa panibagong mass grave na nadiskubre sa magulong estado ng Veracruz, kung saan daan-daang bangkay ang natatagpuan.

Ayon sa Solectio collective, grupo ng mga ina na naghahanap ng kanilang nawawalang mga anak, nalaman nila ang lugar mula sa isang tip.

Limang kilometro lamang lokasyon nito mula sa isa pang mass grave, ang Colinas de Santa Fe, kung saan nasa 296 na bangkay ang natagpuan.

Noong nakaraang taon, nasa 28,711 kaso ng murder ang naitala sa Mexico. Habang simula 2006 ay mahigit 200,000 katao na ang pinatay at nasa 30,000 ang patuloy na nawawala.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

AFP