YAOUNDE, Cameroon (AP) — Dinukot ng mga armadong separatists ang nasa 79 na estudyante, kasama ang tatlong staff ng Presbyterian school sa Cameroon, nitong Lunes.
Ayon kay North West Region Gov. Deben Tchoffo, dinukot ang nasa 11-17 anyos na mga indibiduwal sa Nkwen, isang komunidad na malapit sa kabisera ng rehiyon, kasama ng school staff kabilang ang kanilang principal.
Isang video na kumakalat sa social media ang sinasabing nagpakita ng mga dinukot na estudyante, na mula sa isang grupo ng kalalakihan na tinatawag na “Amba boys.”
Sa video, sinabi ng ilang lalaki na hindi nila palalayain ang mga bata hanggat hindi natutupad ang kanilang layunin na magkaroon ng bagong estado.