Magbubukas ngayong Lunes, Nobyembre 5, ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITEX) na matatagpuan sa Coastal Road, Barangay Tambo, sa Parañaque City.

Ito ay inaaasahang magbibigay ng ginhawa sa mga pasahero at mapagagaan nito ang daloy ng trapiko sa EDSA at sa iba pang pangunahing kalsada sa Metro Manila.

Magsisilbi itong chance for point ng mga provincial bus na galing sa Cavite at Batangas, at maging ng iba pang pampublikong sasakyan na bumibiyahe sa Metro Manila.

Naglaan din ito ng mga parking area para sa mga pribadong sasakyan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Bukod pa rito ang mga charging points, locker facilities, telephone booths, at palikuran na maaari ring liguan.

Umaasa ang gobyerno na sa pagbubukas ng naturang makabagong terminal, sa ilalim ng proyekto ng Department of Transportation (DOTr), ay mababawasan ang matinding problema sa trapiko sa Metro Manila.

-Bella Gamotea