Muling pinataob ng titleholder National University ang Ateneo de Manila, 76-52, para sa kanilang ika-11 sunod na panalo na nagpahaba sa kanilang record na unbeaten run hanggang 75 laro kahapon sa UAAP Season 81 women’s basketball tournament sa Ynares Center sa Antipolo City.
Umiskor si reigning MVP Jack Danielle Animam ng 20 puntos, 10 rebounds at 3 blocks habang nagdagdag si Congolese Rhena Itesi ng 14 puntos at 22 rebounds para sa Lady Bulldogs na nakalapit sa posibleng outright berth sa best-of-three championship.
“Actually, medyo maganda yung pagkapanalo last game. But we kind of relaxed today,” pahayag ni Lady Bulldogs coach Patrick Aquino.
Tapos na yung record-breaking game. Sabi ko nga, tapos na yun. We have to take it one game at a time. Let’s just forget about it. History has been done already,” dagdag nito. “We’re playing a game and we have to focus on our next goal which is go to the championship and win the championship.”
Nagsalansan naman si Valerie Mamaril ng 17 puntos, 6 rebounds at 5 assists para pangunahan ang Far Eastern University sa pagpapatibay ng kanilang kapit sa second spot sa pamamagitan ng 64-57 pag-ungos sa University of the East.
Sanhi ng panalo, umangat ang Lady Tamaraws sa markang 8-3, panalo-talo.
Samantala, nalaglag namang ang Lady Eagles at ang Lady Warriors sa markang 4-7 at 2-9, ayon sa pagkakasunod.
-Marivic Awitan