Nais ni Senador Antonio Trillanes IV na magkaroon ng karagdagang benepisyo ang mga empleyado ng gobyerno na nagtatrabaho sa gabi at sa mga delikadong lugar.
Nakasaad sa Senate Bill Numbers 1562 at 559 ni Trillanes, chairman ng Senate Committee on Civil Service, Government Reorganization and Professional Regulation, na karapat-dapat na tumanggap ng umento ang mga kawani ng pamahalaan.
“SBN 1562 proposes a night differential pay for government employees at a rate not exceeding twenty percent (20%) of the hourly basic rate of the employee for each hour of work performed between ten o’ clock in the evening and six o’clock in the morning,” saad sa panukala ng senador.
Tinatalakay naman ng SBN 559 ang pagkakaloob ng hazard pay sa mga nagtatrabaho sa mga lugar na tutukuyin ng kalihim ng Department of National Defense bilang “hazardous”.
Kabilang sa mga delikadong lugar para sa mga manggagawa ang mga laboratoryo, “sanitaria, leprosaria, observation posts and other similar stations which offer risks to health and safety due to exposure to radiation, contagious diseases and volcanic activity”.
-Leonel M. Abasola