PINAG-AARALAN ng Department of Tourism (DoT) ang pagtatatag ng mga farm at eco-tourism sites sa Cordillera Administrative Region, upang mabigyan ng mapagkakakitaan ang maliliit na magsasaka at mga Indigenous Peoples (IPs).

“The tourism industry provides great opportunities for diversification of income for small-scale farmers and IP organizations,” pahayag ni DoT Undersecretary Marco Bautista, sa isang panayam sa pagdiriwang ng ika-21 Indigenous Peoples’ Rights Act of 1997 nitong Oktubre 30.

Ayon kay Bautista, na tubong Abra, nagbigay ang farming at eco-tourism ng bagong perspektibo ng pangkabuhayan, lalo na sa mga IPs, tungo sa isang inklusibo at matatag na pagpapaunlad sa ekonomiya.

Binanggit niya na sa kabila ng mayamang likas na yaman at iba-ibang kultura, nahuhuli pa rin ang Pilipinas sa mga kalapit nitong bansa kung farm at eco-tourism site ang pag-uusapan.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Pagmamalaki ni Bautista, mayaman ang rehiyon ng Cordillera sa likas na yaman na maaaring pakinabangan.

“Farm and eco-tourism are very important here in the region, since Cordillera has a lot of natural resources, especially for the IP community, who are the ones who will really benefit from this,” paliwanag niya. “This is why we envision farm tourism as community rejuvenation. This is what we are pushing for, really beneficial for the IP community.”

Ayon pa kay Bautista, dapat palakasin ang pinagsamang programa ng DoT, Department of Agriculture, at ng lokal na pamahalaan upang matulungan ang mga IPs community at ang maliliit na magsasaka na mapaunlad ang agri-tourism program.

Sa nakalipas na mga taon, aniya, ipinatutupad na ng DoT at ng Department of Public Works and Highways ang tourism-road convergence project, constructing a tourism road network patungo sa mga tourism sites sa iba’t ibang mga bayan.

Kamakailan lamang, hinikayat ni Senadora Cynthia Villar ang mga magsasaka sa rehiyon na subukan ang farm tourism dahil sa malaking dulot nitong benepisyo, tulad ng mas malaking kita at libreng edukasyon, at lalo na ang pagkain.

Binigyang-kahulugan naman ni Jovita Ganongan, officer-in-charge ng DOT-Cordillera, ang “fun farm tourism” bilang aktibidad na nagbibigay sa mga turista ng pagkakataon na masubukan ang mga aktibidad sa pagsasaka sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga oryentasyon, na humihikayat sa mga magsasaka na lumubog sa isang aktibidad na hindi lamang lumilikha o nagtatanim, ngunit nagbabahagi rin ng kanilang mga karanasan.

Sa kabila ng pagiging bagong konsepto ng farm tourism ng mga IPs, nabigyan na ng DOT ng akreditasyon ang dalawang farm tourism sites – ang Cosmic farm sa Benguet, at ang Layug farm sa Mountain Province.

“There are so many things to be done. Everyone should work hand in hand to achieve sustainable development for our IP community and small-scale farmers,” ani Bautista.

PNA