Arestado ang sinibak sa serbisyong pulis at pinsan nito sa buy-bust operation sa Pateros, kamakalawa ng hapon.

Nakakulong sa Pateros Police Station si dating PO1 Alexander Ilagan y Pili, nasa hustong gulang, dating nakatalaga sa Manila Police District (MPD), nakatira sa Block 2 Lot 18, Bogainvilla Street, Barangay Pembo, Makati City; at Michael Pili y Espiritu, nasa hustong gulang, kabilang sa drugs watchlist, at residente ng No. 25 Tiamsic St., Bgy. Tabacalera, sa Pateros.

Sa ulat ni Senior Supt. Julius Coyme, hepe ng Pateros Police, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Drugs Enforcement Unit (SDEU), sa pangunguna ni Senior Insp. Jerven Galvez, sa tapat ng bahay ni Pili, bandang 3:10 ng hapon.

Nakabili ng P500 na halaga ng droga ang poseu-buyer na pulis sa dalawang suspek at sila ay inaresto.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nasamsam kina Ilagan at Pili ang tatlong selyadong pakete ng umano’y shabu at P500 buy-bust money.

Patuloy na iniimbestigahan ang dalawang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 965).

Si Ilagan ay sinibak sa serbisyo noong Mayo 26, 2016.

Alinsunod sa PNP NCRPO Special Order Number 2409, na may petsang Hulyo 21, 2017, siya ay tinanggal sa serbisyo para sa dalawang bilang ng serious neglect of duty (AWOL) ng 24-araw na pagliban noong Pebrero 2015 at 30- araw na tuluy-tuloy noong Marso 2015.

“The operation that again led to the apprehension of a former member of the PNP only shows that we (PNP) are serious in our mandated tasks and we mean business,” ani Senior Supt. Eliseo Cruz, ng Southern Police District.

-BELLA GAMOTEA