PINAINIT ni Solenn Heussaff ang araw ng followers niyang nakakita sa ipinost niyang picture sa kanyang Instagram account. Nakasuot si Solenn ng one-piece swimsuit at hindi two-piece, pero super sexy pa rin si Solenn. Umabot na sa 238,217 ang views ng post at may 1,259 comments na rin ito.

Solenn copy

Ipinaliwanag naman ni Solenn kung saan gawa ang swimsuit niya.

“You all know I’ve been speaking up about proper disposal of your trash. So here is a little help from @bodypartyph and myself. #SolennArt on bathing suits made of 100 % recycled fishnets and plastic bottles. 20% of proceeds go to saving the Palawan seas. More design to come.”

Pelikula

Sassa Gurl, proud na ibinalandra pagiging ‘mukhang pera’ sa premier night ng Balota

Positibo ang reaksiyon ng followers ni Solenn, marami ang nagpahayag ng suporta at nangakong bibili sila ng swimsuit designed by Solenn na gawa sa recycled fishnets

at plastic bottles.

May nagtanong lang kung mapapanood ba raw si Solenn sa Cain at Abel na naka-swimsuit. Mas magiging exciting daw kasi kung may mga eksenang naka-swimsuit siya.

Matanong nga si Solenn sa presscon ng action drama na Cain at Abel , na pilot na sa Nobyembre 19, starring Dingdong Dantes at Dennis Trillo.

-Nitz Miralles