PORTLAND, Oregon — Pinataob ng LA Lakers ang Portland Trail Blazers 114-110 sa kanilang sagupaan sa pagapatuloy ng 2018 NBA Season, Sabado ng gabi, Linggo ng umaga dito.

Nagrehistro si LeBron James ng 28 points na may kasamang seven assists habang nakatuwang nito si Rajon Rondo na tumipa naman 17 points at 10 assists sa loob ng 25 minuto ng paglalaro.

Sumandal ang Lakers sa kanilang 16-0 run sa ikatlong yugto upang kunin ang 17 point lead. Tumira si Josh Hart ng isang 3-pointer sa huling 9:44 ng labanan na nagbigay ng pinakamalaking kalamangan sa Lakers 95-75.

Matapos ang time-out, tumakbo nman ang Blazers ng 22-8 run upng bawasan ang kalamangan ng Lakers sa huling 3:34 ng labanan.

Pamilya, naglabas ng opisyal na pahayag sa pagpanaw ni Chino Trinidad

Tanging sina Damian Lillard ang nasandalan ng Blazers na may tig 30 iskor. Ngunit sadyang hindi sapat ang lakas ng koponan upang makahabol sa mainit na simula ng Lakers.