Apat na hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG), na dumukot sa pitong taong gulang na babaeng anak ng isang negosyante, ang inaresto ng mga awtoridad sa entrapment operation sa aktong kokolekta ng ransom sa Jolo, Sulu.

Isinagawa ang operasyon laban kina Ajin Titong, 28; Kimar Abdurajik, 28; at Adjidi Andul, 51, at sa kasamahan nilang 16 na taong gulang na lalaki, batay na rin sa reklamo ng mga magulang ng batang dinukot nila, ayon kay Chief Supt. Graciano Mijares, director ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) regional police.

“They kidnapped the victim in Tawi-Tawi a few days ago. They took the victim in Sulu and they demanded P 1 million for the release,” sabi ni Mijares.

Nagpasya ang militar at pulisya na maglatag ng entrapment makaraang hingan ng mga suspek ng P500,000 down payment ang mga magulang ng bata, kapalit ng kalayaan ng huli.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Itinakda naman ang pagbabayad ng ikalawang P500,000 sa Barangay Walled City sa Jolo, kung saan nila nadakip ang mga suspek.

“The victim was rescued by the joint police and military personnel. I laud the efforts of the operating teams for this successful operation. I also commend the intelligence community which provided important details for the success of this operation,” sabi pa nito.

-AARON B. RECUENCO