THANKFUL si Alden Richards sa mga netizens na nagpapadala ng kanilang mga comment tungkol sa drama-fantasy series niyang Victor Magtanggol.

Alden

Kung napapansin ng mga televiewers, tuwing may gap bago mag-commercial, nagpo-post ang GMA ng mga comments tungkol sa gabi-gabing pagsubaybay ng viewers sa serye.

Sa tweet ni @cobol_codasyl: “#VictorMagtanggol tackles real life issues, OFW, rice shortage/hoarders, value your votes during elections, corrupt public officials, etc. I’m glad I’ve stayed. I was able to see through Victor’s struggle from a reluctant superhero to finally embracing his destiny.”

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

Komento naman ni @gelosthetic: “Victor Magtanggol has been consistent with its goal to relate and entertain. It has imperfections here and there, but you cannot deny how much of a masterpiece it is when it comes to building the icon, the hero, which both new and old generations will surely love.”

Sang-ayon naman dito ang maraming netizens na tumututok sa serye gabi-gabi sa serye.

Kumusta naman si Alden na halos inuumaga lagi sa mga tapings?

“Okay po naman ako. Niyakap ko na po ang character ni Victor Magtanggol at ni Hammerman sa simula pa lamang, kaya ready po ako lagi sa mga eksenang gagawin ko.

“May mahuhusay po akong director at mga stunts director na umaalalay sa akin sa lahat ng mga ginagawa ko. Para po sa ikagaganda ng aming serye, ready ako palagi. ‘Yung hirap, kasama po iyon sa trabaho namin. Kung may chance po naman akong matulog kung medyo mahaba ang eksenang hindi ako kasama, ginagawa ko po iyon.”

Mas matitindi ba ang mga eksenang gagawin pa niya bago magtapos ang Victor Magtanggol?

“Marami pang matintinding eksena po akong gagawin dahil muling bumalik ang kalaban kong si Loki (John Estrada), at ang mahirap nalalaman niya ang gagawin ko dahil nakatago siya sa katauhan ni Governor Renato (Freddie Webb).

“Abangan po nila kung malalaman niya na si Victor at si Hammerman ay iisa.”

Napapanood ang Victor Magtanggol gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras, sa GMA-7.

-Nora V. Calderon