NAKOPO nina Michael Angelo Marquez at Stephanie Sabalo ang Grade A Latin title ng 22nd DanceSports Council of the Philippines Inc. National DanceSports Championships kamakailan sa Valle Verde Country Club sa Pasig City.
Nahigitan nina Marquez at Sabalo ang tambalan nina Andrew Ysla at Noelyn Mie Pedrano ng Cebu City at nina Elmar Dizon at Rachael Sun ng Visayas sa Grade A Latin competition na inorganisa ni DSCPI President Becky Garcia.
Sa Grade A Standard, namayani ang tambalan nina Sean Mischa Aranar at Ana Leonila Nualla kontra kina second placer Mark Jayson Gayon at Mary Joy Renigen at third placer Tristan John Ducay at Aileen Patrice De Lara.
Itinataguyod ang kompetisyon ng Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Philippine Amusement and Gaming Corporation, Flawless, Muebles Italiano, Like-FM 105.9, Studio AK, The Greenery Bulacan, Ballare Events Studio at M Catering.
Ang iba pang nagwagi ay sina Joemari Rios at Israela Joana Aliermo (Grade B Standard), Shaquille Jay Hanz Basan at Cindy Jaz Basan (Grade B Latin), Malvin Jamali at Charlene Mernilo (Grade C Standard) at Roderick Pascua at Christine Jane Tabirao (Grade C Latin).
Umariba rin sina Malvin Jamali at Charlene Mernilo (Grade D Standard), Ruden Estillore at Krisia De Jesus (Grade D Latin), Nigel John Angel at Shadelle Niña Hernandez (Juvenile 2A Standard) at Kharl Michael Miñoza at Sofia Isabella Maree Quilaton (Juvenile 2A Latin).
Samantala, naghahanda na ang DSCPI para sa 2019 Southeast Asian Games na gaganapin sa Clark, Pampanga.
Ang susunod na DanceSport events sa 2019 DSCPI 1st Quarter Ranking and Competition ay sa March 16, 2018. Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa DSCPI Secretariat sa 637-2314