ISANG malaking pagkakataon ang nakuha ni dating WBC at Ring Magazine flyweight champion Sonny Boy Jaro ng Pilipinas nang piliin siya para sa tune-up bout ni dating WBA at WBO flyweight titlist Juan Francisco Estrada sa Nobyembre 24 sa Oasis Arena sa Cancun, Mexico.

Unang lumikha ng ingay sa world boxing si Jaro nang ma-upset si Thai boxing legend Pongsaklek Wonjongkam via 8th round TKO noong Marso 2, 2012 sa Chonburi, Thailand.

Bago ito, pinabagsak niya sa 9th round si WBC light flyweight champion Edgar Sosa pero natalo pa rin sa puntos sa kanyang unang laban para sa kampeonatong pandaigdig noong Setyembre 27, 2018 sa sagupaang ginanap sa Mexico City, Mexico.

Umaasa si Jaro na muling lilikha ng upset laban kay Estrada na tumalo sa Pinoy boxers na sina ex-OPBF super flyweight champion Ardin Diale (KO 2), two-division world champion Brian Viloria (SD 12), ex-IBF light flyweight titlist Milan Melindo (UD 12), three-time world title challenger Richie Mepranum (RTD 9), world rated Jobert Alvarez (UD 10), three-time world title challenger Rommel Asenjo at ex-world ranked Raymund Tabugon (UD 10).

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“Last hurrah na natin ito, anong malay natin kung makatsamba naman ako sa Mexico,” sabi ng 36-anyos na sii Jaro sa Balita. “Basta gagawin ko kung ano ang makakaya ko para sa ating bansa.” Gilbert Espeña