Inaprubahan sa WBO Convention sa Panama City kamakalawa ang sagupaan nina three division world champions Donnie 'Ahas' Nietes at Kazuto Ioka ng Japan sa Disyembre 31 sa Macau, China para sa bakanteng WBO super flyweight title.

Buong pagkakaisang inaprubahan ang sagupaan ng WBO executive committee sa 31st WBO Annual Convention sa El Panama Hotel makaraan ang kontrobersiyal na 12-round split draw nina Nietes at No. 2 WBO super flyweight contender Aston Palicte na isa ring Pilipino noong nakaraang Setyembre 8 sa The Forum, Inglewood, California sa United States.

Iniutos din ng WBO ang sagupaan nina Palicte at No. 4 contender Jose Martinez ng Puerto Rico, ang kasalukuyang WBO North America Boxing Organization (NABO) super flyweight champion.

Para sa 36-anyos na si Nietes, magandang makaharap niya ang 29- anyos na si Aoki na umangat bilang No. 3 sa WBO rankings matapos dominahan si two-time world title challenger McWilliams Arroyo ng Puerto Rico para magwagi sa 12- round unanimous decision.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Tinutulan ni Guy Taylor ng Roy Jones Promotions na promoter ni Palicte ang sagupaang Nietes-Aoki at iginiit na dapat magrematch ang dalawang Pinoy boxer.

Para kay WBO president Francisco 'Paco' Valcarcel, masyadong 'highly controversial' ang Nietes-Palicte split draw kaya pinaboran niya ang Nietes-Ioka na ang magwawagi ay haharap sa mananalo kina Palicte at Martinez.

May kartada si Nietes na 41-1-5 win-loss-draw na may 23 panalo sa knockouts samantalang si Aoki ay may 23 panalo, 1 talo na may 13 pagwawagi sa knockouts.

-Gilbert Espeña