Pinag-aralan pa rin nang husto ng pamahalaan kung tanggalin o palalawigin pa ang pagpapatupad ng batas militar sa Mindanao, dahil matatapos na ito sa Disyembre.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, kabilang sa tinalakay sa pagpupulong, na dinaluhan ng Pangulo at ng mga opisyal ng mga pamahalaan na may kinalaman sa usapin, ang pag-aaralan sa martial law at peace and order situation sa rehiyon.

Aniya, closed-door ang nasabing Executive Committee-National Security Council (EC-NSC) meeting na idinaos sa Lapu-Lapu City, Cebu, nitong nakaraang Martes.

“Taking into account the lingering terrorist and communist threats, the EC-NSC committed to put into study the possible lifting or further extension of martial law therein,” ayon kay Panelo.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kabilang umano sa isinaalang-alang ng NSC committee ang suporta ng mamamayan sa pagsususlong ng martial law at ang maitutulong nito sa muling pagbabalik ng kapayapaan sa rehiyon.

“Factors that were initially considered by the committee were the outlook of our brothers and sisters in Mindanao, an overwhelming majority of whom support martial law in view of the present situation they are in, the facilitation it will bring in rehabilitating Marawi and regaining normalcy in Mindanao, and indispensable constitutional and legal factors,” aniya.

Aminado rin si Panelo na kabilang sa prayoridad na pagtutuunan ng pansin ng Pangulo ang usapin sa national security.

-Genalyn D. Kabiling