DAVAO ORIENTAL – Walang pagsidlan ang kasiyahan ng may kabuuang 600 kabataan na nakilahok sa Children’s Games sa Munisipalidad ng Lupon at Mati City dito.

psc copy

Sa Immaculate Heart of Mary Academy (IHMA) sa Mati City, literal na naging palaruan ang kapaligiran nang magsagawa ng iba’t obang palaro ang Philippine Sports Commissiom (PSC) sa tulong ng 60 Ate at Kuya na volunteer.

“Most participants recommended to hold regular Children’s Games as they appreciated the experience of playing with each other and meeting new friends from different parishes and churches,” pahayag ni PSC consultant on national grassroots sports development Doctor Serge Opena.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ikinatuwa rin niya ang naging partisipasyon ng mga volunteer na aniya nagpamalas ng tunay na pagkalinga at pang-unawa sa mga pangangailangan ng mga batang kalahok.

Ibinalik ng PSC Children’s Games ang mga laro na halos nawawala na sa kamalayan ng batang Pinoy tulad ng sack race, patintero, tug of peace, Maria went to town, halo-halo relay, ball to cheek relay, ball over-under relay, patintero at hula hoop relay.

Isinagawa ang two-leg Children’s Games dito sa pakikipagtulungan ng Diocese of Mati at St. Vincent Ferrer Parish of Lupon; San Isidro Labrador, Banaybanay, Davao Oriental, San Isidro Labrador, Batobato, Davao Oriental, St. Francis Xavier, Ligabog, Davao Oriental at St. Francis Xavier, Luzon, Davao Oriental.

Masaya ring nakihalubilo sa kabataan ang ilang Jollibee mascots.

Ang sumunod na regional series ng Children’s Games for churches and parishes ay ginanap sa Digos City kamakailan kung saan pinangunahan ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez ang programa.

Kabuuang 300 kabataan na lumahok sa nasabing event na ginanap sa Cor Jesu College sa Digos City.

“Sa paglahok sa mga laro kasama ang ibang bata, nagkakaroon kayo ng bagong kakilala at kaibigan. Ang pakikipagkapuwa tao ay maaring simulan hangga't bata pa lamang kahit sa pamamagitan ng pakikipaglaro sa ibanga bata, upang sa inyong pagtanda ay madala ninyo ang kahalagahan ng paggalang sa kani-kaniyang opinyon at paniniwala ng bawat isa,” pahayag ni Ramirez.

Ayon sa PSC chief, ang nasabing Unesco-cited Children's Games, ay isa sa pangunahing programa ng ahensiya para sa Sports for Peace Program at hikayatin ang ibang kabataan buhat na rin ssa mga tribu, relihiyon at kultura na malaman ang kanilang karapatan, ayon na rin sa isinasaad ng United Nations Convention on the Rights of the Child.

"Sports can lift the spirit of the community even in despair when kids are actively playing," sambit ni Ramirez.

Pinasalamatan naman ni CJC president Brother Ellakim P. Sosmeña, SC, ang PSC sa nasabing proyekto na ibininahagi sa mga kabataan ng Digos, na siyang nagdeklara ng pagbubukas ng mga laro.

Kabilang din sa dumalo sa nasabing event si PSC Commissioner Charles Maxey, na nagpasalamat sa mga kabataan at sa mga volunteers na kung tawagin ay Ate at Kuya sakanilang pakikiisa at hinikayat niya ang mga ito na masiyahan sa mga laro at makipag kaibigan sa ibang pang kalahok.

-ANNIE ABAD