PINURI ng kanyang social media followers ang ipinost na picture ni Heart Evangelista habang nakasuot ng two-piece bikini sa pagbabakasyon nila ng asawang si Sen. Chiz Escudero.

Heart copy

Tinanong lang si Heart kung bakit ‘tila nahihiya siyang mag-post ng litrato niya na naka-swimsuit. Kadalasan kasing malayo ang shot at kung close-up man ay hindi siya nakatingin sa camera.

May mga kuha rin na naka-two-piece siya, pero may burloloy ang swimsuit na parang may nakatakip sa harapan.

Gaya sa bago niyang picture, naka-brown two-piece si Heart, pero nakaupo siya, bahagyang natatakpan ng mesa, at hindi nakatingin sa camera.

Ogie Diaz sa kakanalan ni Sassa Gurl: 'Awat na!'

Tanong tuloy ng kanyang followers, kailan haharap sa camera si Heart habang nakasuot ng swimsuit?

May nagtanong din kay Heart kung nagwo-workout siya?

“I started a week ago but need to be more disciplined :),” sagot ni Heart.

Wish ng fans ni Heart na ituluy-tuloy niya ang pagwo-workout para ma-achieve niya ang gustong fit ng katawan.

F o r sur e , ma t a t a g t a g s i Heart kapag nagsimula na ang campaign period next year para sa midterm elections, dahil tatakbong congressman si Sen. Chiz.

-Nitz Miralles