NASA ikasiyam na taon nang nagseserbisyo ang lahat ng hosts at reporters ng early morning show ng GMA 7 na Unang Hirit tuwing sasapit ang All Saints’ Day at All Souls’ Day sa dalawang pinakamalalaking sementeryo sa Metro Manila, ang Manila North Cemetery at ang Manila South Cemetery.

Simula nitong Miyerkules, Oktubre 31, hanggang ngayong Biyernes, nagbibigay ang Unang Hirit ng basic services, tulad ng water refilling at cellphone charging stations; first aid, in partnership with Philippine Red Cross; libreng kandila, at fun gimmicks with exciting prizes.

Sa taong ito, naglilibot sa Manila North Cemetery ang staff ng Serbisyong Totoo booth ng Unang Hirit to give away free water and free garbage bags.

May libre ring blood pressure checks, at may free porter service rin mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), para naman sa mga nasa Manila South Cemetery.

Events

Lotlot, sinabing pareho nang kumakanta sa langit 'Mommy at Mamita' niya

-Nora V. Calderon