Mahigpit na pinaalalahanan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga pasahero na hindi maaaring maningil ng bagong pasahe na P10 ang mga driver ng jeepney at bus na walang updated na fare matrix o taripa.

Sinabi kahapon ni Department of Transportation (DOTr) Undersecretary for Road Transport Secretary Mark De Leon na kahit pa epektibo na ngayong Biyernes, Nobyembre 2, ang P1 taas-pasahe sa mga jeep sa Metro Manila, Regions 3 at 4A, at P1 sa mga bus sa Metro Manila, hindi maaaring magpataw ng dagdag-singil ang mga driver kung wala ang mga itong bagong taripa.

Binigyang-diin ng LTFRB sa mga pasahero na mahigpit nilang ipinatutupad ang “no fare guide, no fare increase” sa mga operator at driver.

Bagamat nabasura ng LTFRB ang petisyon ng grupo ng mga pasahero laban sa taas-pasahe, naurong sa Lunes ang implementasyon ng taas-pasahe dahil hindi pa rin nakapagpapalabas ng mga bagong taripa ang ahensiya dahil sarado ang mga tanggapan nito dahil sa Undas.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

“Office will resume on Monday. It is only by then that the LTFRB can issue the fare matrix. Once it has been issued to the operators, that’s the time when their drivers can charge higher fare,” paliwanag ni De Leon.

Dagdag pa ng LTFRB, kailangang magbayad ng mga operator ng application fee for fare hike bago sila makapaningil ng bagong pasahe, dahil permanente na ang bagong order sa taas-pasahe.

Ang mga jeepney operator ay magbabayad ng P520 kada prangkisa na fare hike fee at karagdagang P50 kada unit na fare guide.

Para sa mga bus, dahil provisional lang ang taas-pasahe, kailangan lang magbayad ang operator ng P50 kada unit para sa taripa.

Kaugnay nito, hinimok naman ng DoTr ang LTFRB na pag-aralang muli ang inaprubahan nitong taas-pasahe.

“We will recommend for the LTFRB to review the fare increase. In the meantime, however, since there is already a decision, LTFRB can still implement the increase pending the review,” sinabi ni De Leon nitong Miyerkules.

-Alexandria Dennise San Juan