(HULI SA 2 BAHAGI)

ANO ang goal ni Kyline Alcantara sa showbiz?

Kyline Alcantara

“Wala po akong specific, like halimbawa, gusto kong maging doctor, walang gano’n.

Events

Lotlot, sinabing pareho nang kumakanta sa langit 'Mommy at Mamita' niya

Kumbaga, I just want to be successful sa lahat ng bagay na ginagawa ko ngayon,” sagot ng teenstar na may matatawag na cult followers sa kasalukuyan.

Ano ang kahulugan ng success sa kanya?

“Siguro kapag masaya ako at satisfied ako sa lahat ng nangyayari sa akin.”Sa ngayon, ano ang status ng kasiyahan niya?

“Sobrang overflowing. Overflowing naman po siya sa lahat ng bagay, sa family, sa fans ko, sa lahat ng taong sumusuporta sa amin lalung-lalo na ‘yung mga Sunflowers ko.”

May fear ba si Kyline lalo na’t unstable ang showbiz?“May gano’ng pakiramdam although, confident naman po ako sa sarili ko.

Of course, at the back of my mind, like, paano kung... maraming gano’n. What if... kumbaga, ang daming naiisip pero bina-block ko na lang sa isip ko dahil I’m just enjoying what I have now. Bina-block kong lahat ng negativity na naiisip ko, kumbaga, spread na lang ng positivity.

‘Yon naman po ‘yong parang motto ko, spread positivity sa lahat ng bagay.”Winner sa ratings war ang mga show niya, pati na ang latest na Studio 7.

“Panalo ulit ako sa rating last Sunday. Ang saya-saya lang naming lahat.”Kumusta ang samahan nila sa show?

“Sa ngayon, medyo nangangapa pa kami ng bawat ugali ng bawat isa.

Of course, we’re just starting. I think, it’s normal. It’s natural po and sana po dumating ‘yung panahong maging komportable kami sa bawat isa. On my part, sobrang saya ko po sa Studio 7 dahil hindi nila pinaparamdam na artista ka.

Kumbaga, gawin mo lang kung ano ‘yung ipinapagawa sa iyo. You need to be involved sa creative part. Open po sila sa ideas namin.”

“Ang goal lang namin sa Studio 7, tumagal ‘yung show at suportahan kami ng mga tao kasi every week, tumataas ‘yung level ng performance naming lahat.”Marami na ba sa dreams niya ang natutupad? “Opo.”

Nag-wish siya noon sa sinalihang reality TV show na sana’y magkabalikan parents niya.

“Unti-unting natutupad ‘yung mga pangarap ko. Hayun po, naka-survive and thank you, God.

Maraming-maraming salamat.”Namamasdan ng mga production staff and na focused siya masyado sa trabaho. Ang iba raw kasi, gimik ang priority, boyfriend ang hanap sa showbiz.

“Ewan. Focus muna, kasi sabi ko nga, naging roller-coaster ride rin ‘yung career ko, so focus muna. That’s why lahat ng natatanggap kong trabaho ngayon is ninanamnam ko, ina-appreciate ko, minamahal ko. Saka na ang love. Meron akong love, sa lahat ng supporters ko.”

Sa lahat ng mga nag-a-aspire ng stardom, parang siya ang nabigyan ng magandang exposure?

“I don’t feel the pressure right now,” sabing sinabayan ng malakas na tawa.

“Seriously, siguro po, dahil naghintay din po ako ng matagal para marating ko ‘tong posisyon na ‘to and pinaghirapan ko rin naman po, like, dati, sinabihan ko ni Tito Manny (Vallester, her manager), mataba kang masyado.

So ang ginawa ko, nagpapayat po ako para roon. Nag-work out ako. Talagang pinaghirapan ko po and I waited po nang matagal bago dumating ito.”

-DINDO M. BALARES