NAG-POST si Rochelle Pangilinan sa Instagram tungkol sa pagbunbuntis niya sa first baby nila ng mister niya, ang aktor na si Arthur Solinap.

Rochelle Pangilinan copy

“Isa sa magandang karanasan ng pagiging ganap na babae ang ‘di ko malilimutan itong stage na ‘to, ang mabuntis.

“Sa unang 3 buwan hindi mo maintindihan ang katawan, parang may lagnat ka, hindi makakain o namimili ka ng kakainin, nasusuka na ewan. Actually hindi ko masabi kung ano ang masakit sa ‘kin, marami kang ayaw, marami kang gusto na kakaiba.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Katulad ko, bigla na lang ayaw kong makita o maamoy si Art, pero kapag umalis siya, tatawagan ko siya na naiiyak pa ‘ko kasi wala siya, lungkot na lungkot ang pakiramdam. Sa 9 years naming naging magbf-gf ni Art at one year na kasal, biglang ganun na lang, kaloka!

“Sa pagkain, lahat ng prutas ay gusto ko, pero tanging siopao, dalandan, at cinnamon roll ang paulit-ulit kong kinakain. Ibang klase si God, ginawa niyang automatic na naghahanda ang katawan ng babae para magluwal ng tao, kaya nandun ang sumasakit ang balakang, likod, mainit ang dibdib mo lagi kasi daw nagkakagatas na. Naging sensitive ang balat, lumaki ang paa, laging tulog, malakas at mabilis ang heartbeat.

“Kung may masakit man sa ‘kin, itatawa ko lang. Katulad ng sabi ng doctor, happy hormones lang gamitin dahil para siyang pain reliever ng buntis, effective! Papakinggan ko lang kung ano ang gusto ko, parang instant ‘yun na ‘yun ang kailangan ni baby sa oras na ‘yun.

“Ganunpaman, iba-iba pa rin ang karanasan sa pagbubuntis ng bawat babae. Ngayon, may gumagalaw na sa loob ng tiyan ko. Minsan weird siya, kung iisipin para kang may aquarium sa loob ng tiyan! Haha!

“Pero ibang klase ang miracle ni God, kung paano unti-unti siyang nabubuo sa loob ng tiyan ko, isipin mong kaya kong gumawa ng tao?! Dati takot akong magbuntis, takot ako kasi sobrang masakit daw manganak ayon sa mga kaibigan. Ngayon naman ay parang excited na ‘kong manganak kasi nakikita namin si baby lagi, stage by stage.

“Ang gusto lang namin ay maging healthy siya, kumpleto ang body parts at maging good follower siya ni God paglaki niya. Blessed ako dahil hindi ako pinahirapan sa pagbubuntis at binigyan ako ni God ng mabuting asawa.

“Ngayon, excited na kaming malaman ang gender ni baby! Malapit na!”

Happy rin si Rochelle na mayroon siyang ginagawang teleserye, ang Onanay, at hindi naman siya binawalan ng doktor niya dahil magaan naman ang mga eksenang ginagawa niya. Nang makausap namin si Rochelle, before the month of October, may gender reveal na raw sila ni Arthur kung baby girl o baby boy ang isisilang niya.

-NORA V. CALDERON