KAKATAWANIN ng Nino Jesus House of Studies ang Philippine Team sa gaganaping first Dreamers International 3-on-3 Basketball Championship sa Nov. 2-4 sa Ho Chi Minh, Vietnam.

YOUTH DREAMERS: Pambato ng bansa ang PYD-Nino Jesus House of Studies

YOUTH DREAMERS: Pambato ng bansa ang PYD-Nino Jesus House of Studies

Sasabak ang PYD-NJHS laban sa mga koponan mula sa Australia at Vietnam.

Tumulak nitong Huwebes ang koponan na binubuo nina Jan Prolles, Jhoncel Nudo, Jhunerits Martin at Jan Daniel Geronimo.

Angelica Yulo, proud na ibinida hakot awards na 'Golden Boy' anak na si Eldrew

Si PYD founding president Beaujing Acot ang magsisilbing coach ng team, katuwang sina Mario Fernandez, Bong Julia and Vengie Gabales.

“Isang malaking oportunidad ito para sa ating mga players, “ pahayag ni Acot

Bukod sa PYD-NJHS, ang iba pang mga kalahok na teams sa three-day competition ay ang BSA Vietnam, Australian International

School, RMIT-A, RMIT-B, District 2 basketball team at Poseidon basketball team.

Nakamit ng PYD-NJHS ang karapatan na mai-represent ang bansa matapos magwagi sa Arceegee PYD Tatluhan tournament.

Pinasalamatan ni Acot at PYD ang Samahang Basketbol ng Pilipinas, Philippine Charity Sweepstakes Office, Smart Communication Inc, Buddy’s Pancit Lucban, Regent Food Corporation, Batis Armin Hotel and Resort, Hygienix Alcohol Splash Corporation, JAMAN, Hook Up Clothing and Watches, H+Autoworks, Xpress Printing, Arceege Sportswear at Barangay San Antonio, Pasig City.