Nagpatupad si Pangulong Rodrigo Duterte ng pagbalasa sa Office of the Cabinet Secretary (OCS), sa pamamagitan ng paglilipat ng ilang ahensiya sa pangangasiwa ng ibang departamento.
Ipinahayag ang pagbalasa sa pamamagitan ng pagpapalabas ng Executive Order (EO) No. 67, kung saan ibinalik ang OCS sa dati nitong pangalang Cabinet Secretariat.
Sa nasabing EO, isasailalim sa Department of Trade and Industry (DTI) ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)na pinamumunuan ngayon ni former Customs Commissioner Isidro Lapeña.
Inilipat naman sa pangangasiwa ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang National Commission on Muslim Filipinos (NCMF), Philippine Commission on Women (PCW), at National Youth Commission (NYC).
Inilipat naman sa pangangasiwa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) National Anti- Poverty Commission (NAPC), National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), at the Presidential Commission on the Urban Poor (PCUP).
Binigyang-diin ng Malakanyang na layunin ng pagbalasa na mabawasan ang Office of the President (OP) at upang mapatatag naman ang oversight functions nito sa executive department.
Matatandaang inilipat na rin ng pangulo sa pamamahala ng Department of Agriculture (DA) ang National Food Authority (NFA), Philippine Coconut Authority (PCA), at Fertilizer and Pesticides (FPA) mula sa OCS, sa pamamagitan ng EO No. 62
-Argyll Cyrus B. Geducos